Day 34 - Picture with your ex then say something about it.
Picture was taken before academic graduation starts. Wala akong masabi sa picture. HAHAHAH! At sa mga nagtatanong dati pa at sa mga nagbabalak magtanong. Opo, we’re good, we’re friends na po pero may konting ilangan on both sides. :)
Day 33 - A picture of yourself with 20 facts.
- Maganda.
- Chix.
- May nunal sa ilong.
- Baliw.
- Matakaw.
- Sagad magmahal.
- Mabilis mahulog.
- Matagal makalimot.
- Kumakanta.
- Sumasayaw.
- Nag gigitara.
- Antukin.
- Vain.
- Masiyahin.
- Masaya kasama.
- Wagas kung tumawa.
- Papasa ng boards.
- Magiging Nurse.
- Mahilig bolahin ang sarili.
Day 32- A picture of you and your best friend(s).
Sila yung dalawang taong kinokonsider kong bestfriend ko. Kasi sila yung nakakaintindi sa ugali kong napaka moody. Sila din yung sobrang nakakakilala sa akin kahit sa maikling panahon lang kami nagkakilala. Alam nila agad kung may pinagdadaanan ako. Ramdam nila agad agad. Haha. Sobrang thankful ako kasi anjan sila para sa akin. Mahal na mahal ko tong dalawang taong to.
Day 30 - A picture of something you can’t live without.
Hindi ko alam kung hindi ba talaga ko mabubuhay pag wala akong cellphone o kaya internet. Hindi ko pa kasi nattry mawalan ng dalawang kinaaadikan ko. Ako kasi yung tipong babae na adik sa pag iinternet. Yung tipong online ako halos buong araw tapos may account sa halos lahat na social networking sites. Pero kinakaya ko naman minsan na walang internet basta may cellphone. Alternative kumbaga. Para may kinakalikot pa rin ako. Hahaha!

